Pumalo sa 51,519 ang bilang ng mga estudyante sa Ilocos Region ang tumanggap ng Educational Assistance ng Department of Social Welfare and Development.
Pinakamarami sa mga nabigyan ay mula sa Pangasinan na nasa 30,795 na Students-In-Crisis, 7, 435 sa Ilocos Norte, sinusundan ng 7185 sa La Union at ang huli ay ang 6,106 sa Ilocos Sur.
Sa kabuuan PhP 107,598,000 an naibigay ng DSWD para sa EA sa kalakhang rehiyon.
Nagsimulang mamahagi ang kagawaran sa rehiyon noong August 20, 2022 at nagtapos noong September 24, 2022.
Matatandaan na umabot sa 319, 612 ang naging aplikante ng Educational Assistance sa kalakhang rehiyon. | ifmnews
Facebook Comments