Higit 5K katao, inilikas dahil sa bagyong Ursula

Umabot na sa higit 5,000 katao ang inilikas dahil sa epekto ng bagyong Ursula.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), higit 5,555 na indibidwal o 1,271 na pamilya ang inilikas sa Eastern Visayas at Mimaropa.

Maliban dito, 86 na siyudad at bayan ang nakaranas ng power outage sa Western Visayas at Eastern Visayas.


Naibalik naman ang supply ng kuryente sa 24 na siyudad at munisipalidad.

Nasa limang road sections sa Western at Eastern Visayas ang hindi madaanan ng mga sasakyan.

Nasa 34.2 million pesos na halaga ng logistics ang naka-prepositioned sa mga apektadong rehiyon bago ang pagtama sa kalupaan ng bagyo.

Aabot naman sa 97 domestic flights ang nakensela habang nasa higit 24,000 pasahero, higit 2,500 rolling cargoes, 148 vessels at 34 na motorbancas ang stranded.

Nananatiling naka-blue alert status ang NDRRMC para bantayan ang galaw ng bagyo.

Facebook Comments