Pacman, pasok sa pinakamayamang atleta sa mundo

Kinilala ng Forbes Magazine si Peoples’ Champ Manny Pacquiao na isa sa pinakamayamang atleta sa mundo.

Pang-walo si Pacman sa world’s wealthiest athlete na pinangunahan niyang si undefeated boxer na si Floyd Mayweather Jr.

Base sa Forbes, kumita si Pacquiao sa 25 pay-per-view fights sa nagdaang dekada.


Ang halaga nito ay tinatayang nasa 435 million dollars o 22 billion pesos.

Halos kasing laki ito ng kinita nina Golf Legends na si Tiger Woods at NBA legend na si LeBron James.

Facebook Comments