Higit 5k na pasahero, stranded sa Manila North Port dahil sa Bagyong Kabayan

 

Umabot na sa 5,400 pasahero ang kasalukuyang stranded sa Manila North Port Passenger Terminal ngayong araw dahil sa Bagyong Kabayan.

Ito’y matapos ma-kansela ang biyahe ng mga barko sa naturang port bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng sama ng panahon.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), biyaheng Cebu City, Butuan City, Tagbilaran City, at Cagayan de Oro City ang mga barkong nananatili sa pantalan at naghihintay ng abiso para sa ligtas na paglalayag.


Kaninang umaga, binisita ni Coast Guard Public Affairs Service Acting Commander, CG Rear Admiral Armando Balilo ang Manila North Port Passenger Terminal upang kumustahin ang lagay ng mga pasahero.

Tiniyak naman ng PCG na nakatutok sila upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga babiyahe sa pantalan bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2023.

Facebook Comments