Bilang ng mga pasahero sa PITX, umakyat na sa 40-K

 

Above normal na ang bilang ng mga pasahero na gumamit ng ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong umaga.

As of 10 AM, umakyat na sa 40,511 ang mga biyahero na uuwi sa kani-kanilang probinsya.

Ayon sa media affairs ng PITX, karamihan sa mga bumiyahe ngayon papauwi ay ayaw ng makipagsabayan sa mga mag-uuwian nitong paparating na Biyernes.


Sa ngayon ay maayos naman ang daloy ng biyahe at pila sa naturang terminal, asahan na madadagdagan ang mga uuwi sa mga susunod na araw.

Samantala, wala namang kanseladong biyahe sa ngayon kahit pa may nararanasang sama ng panahon o Signal No. 2 sa Visayas at Mindanao.

Facebook Comments