Higit 6.3M doses na mga bakuna, naiturok na sa ating mga kababayan

Umaabot na sa kabuuang 6,314,548M doses ng anti COVID-19 vaccines ang naiturok sa ating mga kababayan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Napoleon Arevalo, Director IV ng Department of Health (DOH) na patuloy na dumadami ang mga nababakunahan kasunod na rin ng pagdagsa ng bakuna sa bansa.

Sa nasabing bilang, 1,412,187 na health workers ang nakatanggap na ng 1st dose ng bakuna habang nasa 886,420 ang nakakumpleto na ng 2nd dose.


Sa mga senior citizen o A2 catergory, 1,622,613 na ang nakatanggap ng 1st dose at 415, 540 ang tapos na maging ang kanilang 2nd dose.

Sa hanay naman ng A3 category o may comorbidities, 1,568,809 ang nakatanggap ng 1st dose habang nasa 373,493 ang nakakumpleto na ng kanilang 2nd dose.

Nasa 29,217 frontline personnel o A4 category ang nakatanggap na ng 1st dose habang 6,269 ang tapos na sa kanilang 2nd dose.

Sa ngayon, sinabi ni Dr. Arevalo na mayroong 4,632, 826 ang naturukan ng 1st dose sa buong bansa habang nasa 1,681,722 na ang mga Pilipinong fully vaccinated.

Facebook Comments