Umaabot sa 68 drug surrenderees ang nagkaroon ng pagkakataong magbagong buhay sa pamamagitan ng community-based drug rehabilitation program ng Navotas na BIDAHAN.
Sumasailalim ang mga Person Who Used Drugs (PWUD) sa serye ng counselling sessions sa loob ng anim na buwan, at random drug testing para masiguro ang pagsunod nila sa programa.
Nakapaloob din sa programa ang pagsasagawa ng psychoeducation lectures, therapy, relapse prevention session at life skills training para magkaroon sila ng ideya na maaaring pagkakitaan.
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, bahagi ng BIDAHAN Program ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang anim na buwang Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) at dagdag na anim pang buwan pagkatapos ng rehabilitasyon.
Aniya, bagama’t nagtapos na ang mga ito, patuloy pa rin nakatutok ang Navotas Local Government Unit (LGU) sa kanila upang tuluyang ng magbagong buhay.
Sinabi pa ng alkalde, patuloy rin ang lokal na pamahalaan na gumagawa mg hakbang para mapigilan ang pagkalat ng iligal na droga at masagip ang buhay ng mga gumagamit nito.
Sa kasalukuyan, nasa 352 na ang kabuuang bilang ng mga drug surrenderers na nagtapos sa naturang program sa Navotas.