Higit 60 OFWs, na-deploy sa Israel makalipas ang 2 taong pagkakaantala dahil sa pandemya

Makalipas ang 2 taon, nakapagpadalang muli ang bansa ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Israel.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Atty. Bernard Olalia na ang 61 mga OFW ay mag-ta-trabaho sa Israel bilang mga hotel workers.

Ayon kay Olalia, 1st batch pa lamang ito dahil sa mga susunod na araw at buwan ay nasa higit 400 pang OFWs ang ipapadala sa Israel.


Masaya rin nitong ibinalita na ang Israel ang unang bansa na tumatanggap muli ng foreign workers ay napili ang Pilipinas para magpadala ng mga manggagawa doon.

Samantala, nakapag-deploy na rin aniya tayo ng mga caregiver sa ibang bansa.

Sa katunayan, nasa 2,000 na ang nai-deploy, 2,600 kontrata na ang napirmahan at naghihintay na lamang ng kanilang final deployment date.

Ani Olalia, unti-unti nang bumabalik sa normal ang pagpapadala ng bansa ng mga manggagawang Pinoy sa iba’t ibang dako ng mundo makalipas ang 2 taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments