QC LGU, hinikayat ang mga siklista sa lungsod na makiisa sa pagdiriwang ng World Bicycle Day

36

Hinimok ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City ang mga siklista sa lungsod na makiisa sa pagdiriwang ng World Bicycle Day sa Biyernes, June 3.

Ayon sa pahayag ng QC Local Government Unit (LGU), bukas sa publiko ang programa at libre ang pagpaparehistro para lahat ng nais sumali.

Magmumula sa Quezon City Hall ang ruta ng mga siklistang dadalo sa nasabing programa na patungong Commonwealth Avenue na iikot sa Sandigan Bayan Tunnel at babalik muli sa QC Hall.


Sa mga nais makibahagi sa programa, maaaring magparehistro sa Quezon City Hall ng alas-5:00 ng umaga sa Biyernes.

Magkakaroon din ng Bike Bazaar sa nasabing bike event na bukas para sa lahat ng mga dadalo.

Matatandaang kabilang sa proyekto ng QC LGU para sa mga silklista ang pagtatayo ng 161-kilometer bike route sa lungsod.



Facebook Comments