Kasaluluyan pa ring nananatili sa mga evacuation center ang nasa 69 na pamilya sa Lungsod ng Las Piñas.
Ito ay ang mga pansamantalang inilikas Las Piñas LGU dahil sa nangyaring pagbaha bunsod ng pag-ulan dulot ng Habagat.
Nabatid na July 21 pa lamang nang iniutos ni Mayor Imelda Aguilar ang pagsasagawa ng pre-emptive evacuation sa 20 barangay sa lungsod na apektado ng pagbaha para bilang pagtitiyak sa kanilang kaligtasan.
Sinabi pa ni Aguilar na patuloy nilang tinutulungan ang mga nasabing bilang ng pamilya na tinatayang nasa 249 indibidwal sa pamamagitan ng pagpapadala ng ] mga food pack.
Ang mga pamilya na inilikas ay pawang nagmula o residente sa Zapote, Manuyo Dos, Talon Singko at Manuyo Uno.
Sa kasalukuyan, nananatili sila sa itinayong evacuation center sa Zapote Barangay Hall, Manuyo Dos covered court, barangay hall sa Talon Singko, at Manuyo Elementary School habang nais ng Las Piñas local government unit (LGU) na masigurong nasa maayos at ligtas na ang lahat bago nila ito pauwiin.