Umakyat na sa 64 ang patay sa pananalasa ng cyclone Idai sa Zimbabwe.
Ayon kay July Moyo, local government minister – pahirapan ang rescue efforts dahil sa maraming nasirang bahay, tulay at kalsada.
Nag-iwan na rin ito ng matinding pinsala sa kalapit na Malawi at Mozambique.
Naging malawakan din ang blackouts sa South Africa.
Hindi pa matukoy ang bilang ng mga nawawala.
Idineklara na ang state of disaster sa Eastern Chimanimani district upang makapagpalabas ng pondo para tulungan ang mga apektadong pamilya.
Ito na ang pinakamalakas na bagyong tumama sa kanilang bansa mula kay cyclone Eline noong 2000.
5.3 million na tao ang nangangailangan pagkain ayon sa United Nations Humanitarian Agency.
Facebook Comments