Higit 600 bus, nabigyan na ng special permit ng LTFRB para sa holiday season

Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang special permit para sa 639 na karagdagang provincial buses na tutugon sa dagsa ng mga pasahero ngayong Christmas season.

Ayon kay LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, sarado na ang aplikasyon para sa special permit.

Pero aniya, handa silang maglabas muli ng special permits kung magkaroon ng agarang pangangailangan para sa karagdagang unit ng mga bus.


Sa ngayon, sinabi ng LTFRB na nananatiling manageable ang biyahe ng mga bus sa Metro Manila patungo sa iba’t ibang probinsya.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX na may mga extra bus na masasakyan ang mga pasahero kahit fully booked na ang karamihan ng mga biyahe ng bus sa terminal.

Kahapon, umabot sa halos 135,000 ang foot traffic sa PITX at inaasahang papalo pa ito hanggang 170,000 sa mga susunod na araw.

Facebook Comments