I-ACT, naka-heightened alert na para sa holiday season

Naka-heightened alert na ang Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon ngayong holiday season.

Kasabay ng paglulunsad ng “Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2022” noong December 6 ay nagpakalat na ang I-ACT ng 200 tauhan nito sa Metro Manila.

Tuloy-tuloy rin ang pag-iinspeksyon nila sa mga terminal katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno para matiyak na nasa maayos na kondisyon ang mga sasakyan bago bumiyahe.


Facebook Comments