Higit 600 katao sumailalim sakatatapos lamang ma mass testing sa Pangasinan

Aabot sa 633 katao ang isinailalim sa mass testing dito sa lalawigan ng Pangasinan na pinangunahan ng Provincial Health Office. Sa panayam ng ifm dagupan kay Provincial health officer, Dra. Anna Marie De Guzman, tinukoy ng mga Municipal Health Officer sa labing anim na bayan ang mga idinaan sa swab test kabilang na ang mga Probable, mayroong mild symptoms, OFW at health workers.

Isinama rin umano ang ilang mga nastranded sa border checkpoint sa Rosales at Mangatarem kung saan ipinagpatuloy ang quarantine sa kanilang mismong bayan. Sa susunod na linggo inaasahang lalabas ang resulta ng mga swab test ng mga idinaan sa mass testing.
Photo credited to Provincial Government of Pangasinan [image: 96252216_4386262711399759_5606519702537895936_o.jpg]

Facebook Comments