Pag-uusap ng Magkapatid, Nauwi sa Pamamaril!

Cauayan City, Isabela- Nauwi sa pamamaril ng isang lalaki sa mismong kuya nito matapos na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa Cataggaman Nuevo, Tuguegarao City, Cagayan.

Nakilala ang biktimang si Mark Gil Adducul, 32 anyos, walang asawa habang ang suspek na kapatid nito ay si Ryan Jay Adducul, 26 anyos, binata at kapwa residente sa brgy. Cataggaman Nuevo.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang pinapayuhan ng biktima ang kanyang kapatid tungkol sa problema nito nang biglang nagalit ang suspek hanggang sa sila’y nagkaroon ng mainitang pagtatalo.


Habang nasa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo ay naglabas ng di pa matukoy na kalibre ng baril ang suspek at agad na itinutok sa noo ng biktima.

Agad namang nakailag ang biktima subalit nagtamo ito ng daplis sa noo.

Tumakas ang suspek pagkatapos ng insidente subalit kalaunan ay boluntaryo itong sumuko sa mga pulis at dinala sa himpilan ng pulisya.

Hindi na narekober ang baril na ginamit ng biktima dahil itinapon na umano nito sa Cagayan River habang ang kapatid naman nitong biktima ay dinala sa isang pribadong ospital.

Facebook Comments