Higit 600 residente ng Mangaldan ang nakinabang sa iba’t ibang libreng serbisyong medikal sa isinagawang medical mission ng isang ministeryo at ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan noong Sabado, Enero 31.
Nakatanggap ng libreng konsultasyon ang 250 matatanda at 250 bata sa naturang aktibidad.
Ayon sa Municipal Health Office (MHO), 50 pasyente ang nagpabunot ng ngipin habang 50 residente naman ang nakatanggap ng eye exam at libreng salamin sa mata.
Kasama rin sa programa ang pamamahagi ng libreng gamot na isinagawa sa tulong ng Department of Health at ng mga Barangay Health Workers.
Bukod sa mga serbisyong medikal, nag-alok din ang mga volunteer ng dasal at spiritual counseling bilang bahagi ng misyon ng ministeryo.
Facebook Comments








