Umaabot sa 6,949 na pasahero, driver at cargo helpers ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na stranded sa iba’t-ibang pantalan sa bansa.
Ito’y bunsod ng masamang lagay ng panahon dahil sa bagyong agaton.
Naitala ito sa mga pantalan na sakop ng Bicol Region, Eastern Visayas, North Eastern Mindanao, Central Visayas at Western Visayas.
Pinakamaraming naitalang stranded na pasahero ay sa Bicol Region partikular sa
Matnog Port, Bapor Port, Pasacao Port at San Pascual Port na nasa 3,736 ang bilang.
Nananatili ang mga stranded na pasahero sa 13 pantalan sa Eastern Visayas, 12 sa North Eastern Mindanao, 8 sa Central Visayas at 3 sa Western Visayas
Nasa 2,066 rolling cargoes; 51 vessels, at 1 motorbanca ang nananatiling stranded habang 73 vessels at 26 motorbancas ang pansamantalang sumilong upang maging ligtas sa epektong dulot ng bagyong agaton.