HIGIT 6,500 KILOS NG ELECTRONIC WASTE, NAKOLEKTA SA LA UNION

Umabot sa 6,539 kilos ng electrical at electronic waste ang nakolekta sa Aringay at Bacnotan, La Union sa loob ng isang linggo.

Kabilang sa mga e-waste ang mga sirang appliances, gadget o anumang kagamitan na pinapagana ng kuryente.

Activated ang lahat ng lokal na pamahalaan na ipatupad sa kanilang mga nasasakupan ang koleksyon ng mga naturang electronic waste upang magkaisa sa adbokasiyang mapangalagaan ang kalikasan.

Sumabak din sa lecture ang mga barangay council sa Bacnotan ukol sa panganib ng hindi tamang pagtatapon ng mga e-waste at mga paraan upang muling magamit at maging kapaki-pakinabang ang mga ito.

Ang mga nakolektang e-waste ay dinala sa isang disposal facility sa Sta. Rosa, Laguna para sa tamang pag-asikaso at posibleng pagkumpuni. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments