Kinilala ang mga apat na suspek na sina Alyas Garry, 24 taong gulang, binata, magsasaka; Alyas Olan, 40 taong gulang, parehong residente ng Brgy. Sta Clara, Gonzaga; at sina alyas Willy, 22 taong gulang, binata, magsasaka; at alyas Gil, nasa tamang edad, pareho namang residente ng Rapuli, Sta Ana, Cagayan.
Subalit ayon sa Cagayan Police Provincial Office, nakatakas sina alyas Olan at Gil at patuloy na pinaghahanap ng kapulisan.
Naaktuhan ang mga suspek sa pagdadala ng mga undocumented forest products na may iba’t ibang sukat at tinatayang nasa humigit o kumulang sa 1500 board feet sakay ng isang Isuzu Elf na walang kalakip na plate number na dahilan ng kanilang pagkadakip.
Nahaharap ang apat na suspek sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.
Dinala sa Gonzaga Police Station ang mga suspek kasama ang mga nakumpiskang mga kontrabandong kahoy at ang Elf truck para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.