Umakyat na sa higit 148 million doses ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines na naiturok na ng pamahalaan sa buong bansa.
Sa bilang na ito, 68.5 million dito ay fully vaccinated na laban sa virus.
Katumbas ito ng 76.14% mula sa target population ng pamahalaan.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Communication Secretary Martin Andanar, nasa 73 million doses naman ang naiturok na ng gobyerno bilang first dose.
Habang umakyat na rin sa higit 13.5 million ang nakatanggap na ng booster shot o additional doses ng bakuna.
Matatandaan na una nang sinabi ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante, na asahan na sa mga susunod na araw ang pagtaas pa ng bilang ng mga mababakunahan sa bansa, lalo’t matututukan na ulit ng mga Local Government Units (LGUs) ang vaccination program, ngayong tapos na ang halalan.