Pilipinas tinawag na “Republic of Marites” ni Pangulong Duterte

829

Binansagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pilipinas bilang “Republic of Marites.”

Sa kanyang Talk to the People (TTTP), bigla na lamang itong nabanggit ng pangulo.

Aniya, lahat ng tao ngayon ay may chismis na, mapa-babae man o lalaki.


Kasunod nito, pabiro pang sinabi ng pangulo na naaawa siya sa mga pinangalanang Marites.

Ang Marites kasi ngayon ay tawag sa mga chismosa o mula sa salitang “Mare, ano ang latest o Mare, ano na ang chismis.”

Samantala, sa TTTP pa rin ng pangulo sinabi nitong nais niyang makapatay ng 3 o 5 drug lords bago siya tuluyang bumaba sa pwesto sa Hunyo a-30.



Kilala ang pangulo sa kanyang drug war kung saan makailang beses na nitong sinabi na galit siya sa droga dahil sinisira nito ang bansa.

Una nang umapela ang punong ehekutibo sa susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang kaniyang nasimulang drug war dahil hindi biro ang kalakaran ng ilegal na droga sa ating bansa.


Facebook Comments