HIGIT 680K NA INDIBIDWAL SA ILOCOS REGION, NABIGYAN NA NG BOOSTER SHOTS KONTRA COVID-19

Umabot sa 685,557 na indibidwal sa Ilocos Region ang nakatanggap ng kanilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) booster shots hanggang sa unang linggo ng buwan g Abril.
Batay sa datos ng Department of Health Center for Health Development Ilocos Region (DOH-CHD-1), ang rehiyon ay mayroong 3.5 milyong residenteng ganap na nabakunahan o 80 porsyento ng 4.3 milyong target na populasyon nito.
Sinabi ni Covid-19 focal person Dr. Rheuel Bobis, na 501,418 o 87 porsyento ng mga senior citizen sa rehiyon ang ganap na na-inoculate.

Samantala, ang pang-araw-araw na average ng rehiyon ng Covid-19 positivity rate ay bumaba. Naunang iniugnay nito ang pagbaba sa mataas na saklaw ng pagbabakuna.
Ang non-intensive care unit (ICU) bed utilization ay nasa 11 percent o 170 na ginagamit mula sa 1,532 beds habang ang ICU bed utilization rate ay nasa 18 percent o 42 out of 236 ICU beds.
Sa kabila naman nito, patuloy ang ginagawang pagpapaalala ng ahensya ukol sa pagsunod sa minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask para maiwasan ang posibleng pag-akyat ng mga kaso ng COVID-19. | ifmnews
Facebook Comments