Senator De Lima, tiniyak na maayos ang kanyang kalusugan

Masayang ibinalita ni Senator Leila de Lima na walang nakita ang mga doktor na nakakabahalang sakit o seryosong karamdaman sa kanya.

Sabi ni De Lima, base ito sa resulta ng kanyang annual medical check up na ginawa nitong April 5 hanggang 6 sa Manila Doctors Hospital.

Magugunitang pinagbigyan ng korte ang hiling ng mga abogado ni De Lima na makalabas sya ng Philippine National Police Custodial Center para sa kanyang regular na medical check up na bahagi ng pagbabantay sa kanyang kalusugan matapos makitaan ng liver mass noong 2018.


Dahil sa magandang resulta ng medical tests ay umaasa si De Lima na titigil na ang mga nagkakalat ng fake news na sya ay pumanaw na at may problema sa kalusugan.

Facebook Comments