Higit 6K pasahero, stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa

Sumampa na sa 6,449 na mga pasahero ang stranded ngayon sa mga pantalan sa bansa dahil sa bagyong “Tisoy”

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) – mula ito sa mga pantalan sa Central Visayas, Western Visayas, Eastern Visayas, Southern Visayas, Southern Tagalog at Bicol.

Pinakamaraming na-stranded ay sa port of Matnog sa Sorsogon na nasa 2,223.


Suspendido rin ang operasyon ng 1,543 rolling cargoes, 126 barko at 63 motorbancas.

Samantala, higit 500 biyahe naman ng mga eroplano sa NAIA ang kinansela.

Ayon kay Cebu Pacific spokesperson Charo Logarta Lagamon – nasa 29,000 mga pasahero na nila ang apektado ng cancelled flights.Tiniyak naman ng Philippine Airlines na agad nilang sisimulan ang recovery flights kapag binawi na ang closure order sa NAIA.

Facebook Comments