Mga atletang Pinoy, patuloy sa paghakot ng medalya sa SEA Games

78

Patuloy sa pagtabo ng mga medalya ang mga atletang Pinoy sa ikatlong araw ng 30th Southeast Asian Games.

Kaninang umaga, muling sumungkit ng gold medal si Agatha Wong para sa wushu women’s taijijian event.


Panalo rin ng gold medals sina Crisamuel Delfin para sa arnis men’s anyo non-traditional open weapon at Mary Allin Aldeguer sa women’s anyo non-traditional open weapon competition.

Nakasungkit din ng silver medals sina Margaret Colonia sa women’s 59 kg weightlifting division at Mary Francine Padios sa women’s pencak silat seni tunggal.

Nakuha naman nina Johnzenth Gajo, Jones Inso at Thorton Sayan ang bronze medal sa wushu taolu men’s duilian competition.

Dahil dito, nangunguna pa rin ang bansa sa medal tally na may kabuuang 78 na medalya: 41 gold, 23 silver at 14 bronze.

Facebook Comments