Mahigit 7 milyong botante ang na-deactivate o napawalang bisa ang kanilang registration para sa 2022 national and local elections.
Sa datos na inilabas ng Commission on Elections (COMELEC) , kabilang dito ang 7,229,493 botante na bigong makaboto sa dalawang magkasunod na eleksyon
May 2,718 rin ang hindi makaboboto matapos maideklara ng mga otoridad at eksperto na may problema sa pag-iisip o walang kakayahang makapagdesisyon.
Umaabot naman sa 3,993 ang excluded o itsa-puwera sa pagboto base sa utos ng korte habang 536 naman ang nabigyan ng pinal na sentensiya ng hukuman na makulong na hindi bababa ng isang taon.
Samantala, mayroon din mga botante ang inalis na sa talaan dahil sa pagkamatay kung saan umaabot ito sa 755,769.
Kabilang sa kanila ang ilan sa mga nasawi dahil sa COVID-19 na agad naibigay ang impormasyon sa tanggapan ng COMELEC.