HIGIT 70 HOG RAISERS, TATANGGAP NG BIIK

Nakatakdang mamahagi ng biik ang City Veterinary Office sa tulong ng Department of Agriculture (DA) Region 2 sa 70 na hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa Lungsod ng Cauayan.

Ayon kay City Veterinarian Dr. Ronald Dalauidao ng Cauayan City, ang 70 na magbababoy ay kasama sa mga benepisyaryo ng Repopulation program ng DA at pinaplantsa na lamang ang pinal na schedule para sa kanilang distribusyon.

Unang nabigyan ng sentineling pigs ang 30 pang benepisyaryo kung saan nakatakda rin silang mabigyan ng karagdagang tig-dalawang biik.

Nagkaroon lamang aniya ng delay sa pamamahagi dahil sa kakulangan ng supply ng biik sa probinsya.

Tiniyak naman ni Dalauidao na matatanggap ng mga benepisyaryo ang mga ipinangakong tulong ng DA.

Facebook Comments