Hindi pa rin madaraanan ang ilang kalsada at tulay sa ilang rehiyon sa bansa dahil sa baha at pagguho ng lupa dulot ng nagdaang Bagyong Egay.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, 71 kalsada at tatlong tulay sa Regions 1, 2, 3, 6, CALABARZON, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR) ang nananatiling unpassable.
Ilan sa mga hindi pa rin madaraanang kalsada sa ngayon ay ang Suyo, Tagudtud sa Bagulin La Union, Duplas, Porporiket, Sucoc Norte sa Naguilian La Union, Dagdag Road, San Elias, San Ramon boundary, Tikem Road, Burgos, Narvacan sa Ilocos Sur, San Luis, Sta. Monica, San Agustin, Macabebe, Minalin, San Simon sa Pampanga.
Mayroon din namang 1 lane passable at passable sa mga malalaking sasakyan lamang, samantala ang ilan ay unti-unti nang humuhupa ang baha.
Kasunod nito, puspusan ang clearing operations ng mga awtoridad upang hindi mabalam ang pagdadala ng mga ayuda sa mga apektadong komunidad.