Kananga, Leyte – Higit 70 pamilya na apektado ng lindol sa Leyte ang nananatili pa rin sa evacuation center sa Barangay Rizal, Kananga.
Sa interview ng RMN kay Kananga Mayor Weng Codilla – aniya, galing sa mountainous barangay ng Leyte ang karamihan sa mga naapektuhan ng lindol.
Sa ngayon, rotational pa rin ang kurytente sa Kananga.
Sapat naman aniya ang mga natatanggap nilang food packs pero nanawagan ito ng shelter assistance para sa mga nasiraan ng bahay.
Ayon naman kay Leyte, Governor Dominico “Mic” Petilla – inihahanda na rin nila ang lahat ng tulong na kailangan ng mga naapektuhan ng lindol.
Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang Office of the Vice President sa pamahalaang panlalawigan ng Leyte para sa anumang tulong na maaari nitong ibigay sa mga biktima.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558