Tibay ng mga gusali sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 6.5 na lindol sa Leyte, pinasusuri ni Kananga Mayor Weng Codilla

195

Leyte – Pinasisilip na ni Kananga Mayor Weng Codilla ang tibay ng mga gusali sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 6.5 na lindol sa Leyte noong Huwebes.

Nabatid kasi na mas naapektuhan pa ng lindol ang mga bagong commercial building kumpara sa mga matatandang gusali sa kananga na nasa 30 hanggang 50 taon na ang tanda.

Ayon kay Mayor Codilla – nag-request na siya ng structural engineer sa DPWH para suriin ang mga gusali sa lugar.


Una rito, isa ang naiulat na patay matapos na matabunan ng gumuhong gusali sa Kananga.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments