Umabot sa 19,000 pamilya o nasa 70,000 indibiduwal ang nanunuluyan sa 755 evacuation centers sa bansa sa apat na rehiyong tinamaan ng Bagyong Ulysses.
Sa huling datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, umabot sa 18,818 families o 70,294 tao ang nananatili sa evacuation centers sa National Capital Region (NCR), Central Luzon, CALABARZON at Bicol.
Lumalabas sa datos na 1,556 na pamilya o 5,890 tao ang mas nais manatili sa kanilang mga kaanak o kakilala.
Umaabot naman sa 40,518 families o 156,995 individuals ang apektado ng bagyo sa 648 na barangay.
Nasa ₱810.22 million na halaga ng standby funds ang ipapamahagi para sa relief operations.
Aabot naman sa ₱226.12 million ang standby funds ng kanilang Central Office, kung saan ₱184.76 million ang inilaan para sa Quick Response Fund (QRF).
Nasa 279,186 family food packs (FFPs) na nagkakahalaga ng ₱128.83 million ang handang ipamahagi sa mga Local Government Units (LGUs) na nangangailangan ng augmentation support.