HIGIT 700 FARMERS SA ISABELA, MABIBIGYAN NG FUEL DISCOUNT VOUCHER NGAYONG ARAW

Cauayan City, Isabela- Nasa 713 na mga corn farmers at miyembro ng Farmers Cooperative Association o FCA mula rito sa Lungsod ng Cauayan at apat na mga bayan sa Lalawigan ng Isabela ang makakatanggap ngayong araw, August 25, 2022 ng Fuel Discount voucher mula sa Department of Agriculture (DA) Region 2 na nagkakahalaga ng P3,000 pesos.

Isasagawa ngayong umaga ang distribution sa FLDy Coliseum, Cauayan City na kung saan mula sa Lungsod ng Cauayan ay nasa 368 na mga corn farmers na may machineries at member ng FCA ang mabibigyan ng fuel discount voucher, 176 naman mula sa bayan ng San Guillermo, 71 sa Cabatuan, 58 sa Luna at 40 naman sa bayan ng San Isidro.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Agriculturist Engr. Ricardo Alonzo, ang makukuhang fuel discount voucher ng mga magsasaka ay maaari nilang ibigay o ipalit sa mga partner fuel gasoline station ng Department of Agriculture.

Para naman sa mga hindi makakakuha ng fuel discount voucher ngayong araw ay maaari namang pumunta bukas, August 26, 2022 sa Mushroom Center sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City para naman sa ikatlong batch ng distribution ng DA sa iba pang farmers mula naman sa mga karatig pang bayan.

Facebook Comments