Higit 700 kilo ng smuggled na puting sibuyas, nasabat ng DA sa tatlong palengke sa Metro Manila!

Nasabat ng Department of Agriculture (DA) ang mahigit 700 kilo ng smuggled na puting sibuyas sa tatlong pamilihan sa Metro Manila.

Ayon sa DA, aabot sa 105 na sako na smuggled na puting sibuyas ang nasamsam sa Divisoria sa lungsod ng Maynila; Mutya ng Pasig Market; at Balintawak Market sa Quezon City.

Katuwang ng DA ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG); Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Bureau of Plant Industry (BPI).


Layon ng kanilang operasyon na maprotektahan ang mga magsasaka sa iligal na pagpasok ng mga smuggled agricultural products sa local markets.

Dagdag pa ng DA, ang mga nakumpiskang sibuyas ay sisirain ng BPI upang hindi na mapakinabangan at maibenta pa.

Facebook Comments