ISANG LALAKI; PATAY SA SALPUKAN NG SINGLE MOTOR AT 4-WHEELS

Wasak ang harapang bahagi ng rusi motorcycle matapos nitong masalpok ang noo’y paparating na Suzuki APV.

Kinilala ang biktima na si Gerardo Duarte, 58- taong gulang, construction worker, at residente ng District 3, Cauayan City, Isabela.

Habang ang akusado naman ay kinilalang si Albert Deloyola, 41-taong gulang, may asawa, negosyante, at residente ng P7 Padilla St Rosario, Santiago City, Isabela.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Cauayan City PS, nangyari ang insidente pasado alas otso ng gabi nitong Hwebes sa kahabaan ng National Highway na sakop ng Minante Uno.

Papunta umano ang biktima tungong Cauayan poblacion habang ang PUV naman ay patungong Alicia.

Sa lakas ng salpukan ng dalawang sasakyan ay nagtamo ng matinding head injury si Gerardo na agad namang isinugod sa pinaka malapit na pagamutan ngunit kalaunan’y binawian rin ito ng buhay.



Kasalukuyan nakakulon ngayon sa Cauayan City PS ang suspek at posibleng maharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property

Facebook Comments