Higit 700 paaralan, napinsala ng Bagyong Rolly, ayon sa DepEd

Tinatayang aabot sa 770 paaralan ang napinsala dahil sa pananalasa ng Bagyong Rolly.

Bukod dito, nasa 660 paaralan naman ang ginawang evacuation centers batay sa ulat ng Department of Education (DepEd).

Sa datos na inihayag ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, sa bilang na 770, aabot sa 581 dito ay mula sa Region 5.


Mula naman sa 660 evacuation centers, 440 dito ang ginagamit ngayon sa Bicol Region.

Ayon kay Malaluan, mayroon naman nakahandang pondo ng para sa paglilinis at minor repair pero ang mga malalaking damages ay kailangan pa ng validation ng kanilang local engineers para ma-assess at ma-submit ang kinakailangang budget.

Hindi naman binanggit ni Malaluan kung anong mga pangalan at lokasyon ng mga paaralan na napinsala.

Facebook Comments