Higit 700 tauhan ng PDEG na nakatalaga sa Special Operations Unit, ipapa-recall ng PNP para sumailalim sa values formation

Pina-recall na ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) ang 789 na personnel na nakatalaga sa 17 Special Operations Unit (SOU) ng PDEG sa buong bansa.

Ito ay para sumailalim ang mga ito sa values formation at moral recovery program.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, bahagi pa rin ito ng mga hakbangin ng PNP para tiyakin ang mas maayos na pagsasagawa ng mga anti-illegal drugs operation.


Paliwanag ni Fajardo ang pag-recall ng PNP sa mga tauhan ng PDEG-SOU ay sa harap ng planong pagbuwag sa nabanggit na unit matapos ang pagkakasamsam sa 990 kilo ng shabu sa Maynila noong nakaraang taon.

Matatandaan na una nang sinabi ni PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr., na sa halip na ang SOU ay iba nalang sa Case Operational Plan o COPLAN ang mga anti-drug operation sa ilalim ng direktang kontrol ng headquarters sa mga regional at provincial police office ng PDEG.

Facebook Comments