83 senior military official ng AFP, nag-courtesy call kay House Speaker Martin Romualdez

Inihayag ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nakipagpulong kay House Speaker Martin Romualdez ang 83 senior military official ng AFP kahapon.

Ayon sa AFP, kasama sa 83 na nag-courtesy call kay Romualdez sina Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr, Air Force Commanding General LtGen Stephen ParreƱo, Northern Luzon Command Commander Lt. Gen. Fernyl Buca at iba pang senior officials ng militar.

Sa naturang pulong, kinilala ng mambabatas ang kontribusyon ng AFP tungo sa pagkamit ng kapayapaan, kaayusan at pagdepensa sa bansa mula sa mga dayuhan at lokal na mga banta.


Kinilala rin ni Romualdez ang dedikasyon at sakripisyo ng militar sa paglilingkod at pagsusumikap ng mga ito sa pagtitiyak ng matatag na Pilipinas.

Nabatid na ang 83 mga opisyal ay may hawak na ad interim appointments.

Facebook Comments