Higit 7,000 Pinoy, hindi pinayagang makalabas ng bansa

Umabot na sa 7,311 mga Filipino ang hindi pinayagang makalabas ng bansa sa unang kwarter ng taon.

Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, ang 7,311 pasahero ay pinigilang makaalis dahil sa kabiguang makapag-comply sa mga requirements.

Maingat aniya ang ahensya sa isinasagawang assessment sa mga aalis ng bansa para masigurong hindi sila mabibiktima ng human traffickers at illegal recruiters.


Sabi pa ni Medina, sinunod ng BI ang screening procedures na itinakda ng Department of Justice (DOJ).

Hindi naman aniya ibig sabihin na ang mga hindi na pinayagan ay hindi na talaga makakalabas ng bansa.

Kailangan lamang aniya na makasunod ang mga ito sa requirements na itinakda ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na layong protektahan ang mga Filipino laban sa mga mapansamantala abroad.

Facebook Comments