Kasunod nang muling pagbubukas ng klase para sa school year 2019-2020 sa Hunyo 3.
Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magpapakalat sila ng sapat na bilang ng mga tauhan upang maging ligtas ang mga estudyanteng magbabalik eskwela
Ayon kay NCRPO chief, Major General Guillermo Eleazar, kabuuang 7,153 police officers at personnel ang kanyang idedeploy sa iba’t-ibang strategic areas sa Metro Manila.
Sa nasabing bilang 2,074 ang pupwesto sa PADs o police assistance desks upang bantayan ang seguridad ng mga estudyante gayundin upang umasiste sa daloy ng trapiko.
Sinabi pa nito na maliban sa mga alagad ng batas nangako rin ang nasa higit 8,000 force multipliers mula NGOs at Local Government Units (LGUs) para panatilihin ang kaayusan at tiyaking magiging ligtas ang mga estudyante.
Mayroon din aniyang police marshals ang ipapakalat sa mga pampublikong sasakyan tulad ng mga bus, UV express at mga jeepney.