Higit 700,000 poll workers, itinalaga para magbantay sa eleksyon 2022

Aabot sa 756,083 poll workers ang itinalaga para magbantay at mangasiwa sa May 9, 2022 elections.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Alain Pascua, halos 90 porsyento o 647,812 ng nasabing bilang ay mula sa kagawaran.

Sa nabanggit na DepEd personnel, 319,317 dito ang electoral boards (EB); 200,627 ay EB support staff; 38,989 ay DepEd supervisor officials; (DESO); 87,162 ay DESO support staff; at 1,717 ay board of canvassers.


Sinabi naman ni Pascua na bumuo ang kagawaran ng hiwalay na grupo na tutugon sa hinaing ng mga guro at paaralan sa eleksyon.

Aniya, ito ay ang DepEd Election Task Force na magiging aktibo simula sa May 8 hanggang May 10.

Nilinaw naman ni Pascua na ang DepEd ang may hawak dito at hindi ang Commission in Elections (COMELEC).

Facebook Comments