Higit 400,000 na overseas Filipino voters, nakaboto na

50

Umabot na sa 458,324 na overseas Filipino voters ang nakaboto na para sa 2022 elections.

Sa datos ng Commission on Elections (COMELEC) hanggang ntiong Mayo 6, 167,856 na overseas Filipino voters ang nakaboto na sa Asia Pacific Region; 45,964 sa European Region; 173,229 sa Middle East at African Region habang 71,274 naman sa North at Latin American Region.

Ayon sa COMELEC, ang naturang datos ay 27 porsyento ng kabuuang 1.6 milyong rehistradong overseas voter.


Noong 2019, umabot sa 18 porsyento ang final voter turnout ng overseas voters.

Nagsimula ang overseas voting noong Abril 10 at tatagal hanggang Mayo 9, 2022.

Facebook Comments