Posibleng sa Oktubre ay makamit na ng lungsod ng Quezon ang population protection.
Ito ang inanunsyo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa press conference sa Malacañang.
Ayon kay Mayor Joy, sa ngayon ay nasa 1,191,251 na ang mga nakatanggap ng 1st dose.
Habang nasa 742,974 naman ang mga fully vaccinated mula sa kabuuang 1,840,933 mga bakunang naiturok na.
Sinabi pa ng alkalde na mula sa kabuuang 3.1-M adult population sa lungsod ay nasa 1.7-M ang target nilang mabakunahan.
Base pa sa kanilang projection, Aug. 28 matatapos ang pagbibigay nila ng 1st dose habang hanggang sa Oct. 10 ang target completion nila sa pagbibigay ng 2nd dose upang makamit ang population protection sa lungsod ng Quezon.
Facebook Comments