HIGIT 70K NA APLIKANTE SA REHIYON 1 NAITALA NA DOLE R1; LIMANG OPISINA SA PANGASINAN, KABILANG SA TOP 10 MOST APPLICANTS SA REHIYON

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Statistics Month ngayong buwan ng Oktubre, ibinida ng Department of Labor and Employment R1 ang kanilang mga accomplishments o naisagawang serbisyo sa mga tao sa pamamagitan ng virtual statistical exhibit na DOLE DIGITS.
Sa pinakahuling datos ng DOLE R1 as of September 2022, naitala ang kabuuang 71, 972 na mga aplikante sa rehiyon ang nairehistro sa PESO Employment Information System o PEIS na siyang hangarin ng DOLE na magkaroon ng centralized employment database.
Samantala, sa nabanggit na bilang ng mga aplikante, apat na LGUs at isang opisina sa Pangasinan ang napabilang sa Top 10 na PESO sa Rehiyon, nanguna sa listahan ng DOLE R1 ang LGU Sual, Pangasinan, Bacnotan La Union, Pangasinan Provincial PESO, Piddig, Ilocos Norte, Infanta Pangasinan, Cabugao Ilocos Sur, Santa Cruz Ilocos Sur, Dagupan City, Pangasinan, Aringa, La Union at San Jacinto, Pangasinan.

Ayon pa sa datos, karamihan umano sa mga registered applicants ay mula sa Western Pangasinan na mayroong 32% sa kabuuang bilang.
Samantala, 2,572 na aplikante ang naitala bilang mga bagong empleyado. |ifmnews
Facebook Comments