GOOD NEWS: DALAWANG KUWAGO ANG NAIBALIK SA BAYAN NG CENTRO-URDANETA CITY

Nahanap ang dalawang kwago sa may madamong lugar sa Pinewood Village sa bayan ng Pozorrubio habang naglilinis ang mag asawa na sina Mr. Dario at Mrs. Connie Farnacio nitong nakaraang October 10, 2022. Sila ay taga-Barangay Talogtog, Pozorrubio, Pangasinan.
Ayon sa kanila, inuwi muna nila ang dalawang kwago sa kanilang tahanan at ginawan ng kulungan.
Ilang araw lang ang nagdaan, isinauli na nila ang mga kwago sa Community Environment and National Resource Office sa bayan ng Urdaneta.

Nagpasalamat rin si Urdaneta Mayor Kelvin Chan kina Mr. At Mrs. Farnacio dahil sa pag aalaga sa dalawang kuwago.
Ang pagligtas sa mga endangered species ay mahalaga. Ang pagpapanatili ng buhay ng mga ito ay nakikinabang sa ating mga pinagmumulan ng pagkain, sa ating kapaligiran, sa ating kalusugan at sa ating ekonomiya kaya ito’y ating pagyamanin. |ifmnews
Facebook Comments