Higit 72,000 na gumaling kahapon sa COVID-19, hindi dapat pagtuunan ng pansin ayon sa dating adviser ng NTF Against COVID-19

Walang masyadong epekto ang higit 72,000 na naitala kahapon na pasyenteng gumaling sa COVID-19 ayon sa dating adviser ng National Task Force (NTF) Against COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila kay Dr. Tony Leachon, sinabi nitong mas importanteng bantayan ang mga naitatalang bagong COVID-19 cases upang malaman kung maayos na natutugunan ang pandemya.

Kasunod nito, iginiit pa ni Leachon na otomatiko namang gagaling ang karamihan sa mga kaso kung kaya’t dapat pagtuunan ng pansin ang mga bagong kaso para maikumpara sa kakayanan ng ating healthcare system.


Sa ngayon, nasa 779,084 na ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit mula sa 936,133 na total COVID-19 cases.

Facebook Comments