Magandang reputasyon, isa sa dapat pahalagahan sa jewelry business

Maituturing na isang advantage para sa jewelry selling business ang magandang impression ng publiko.

Kaya naman sa interview ng Business as Usual ng Radyo Trabaho, ibinahagi ni Maria Theresa Borita, may-ari ng Tindarella Olshop na hindi na sila nahirapan pa nang magsimula silang magbenta ng jewelries kagaya ng mga gold rings at necklace.

Ayon kay Borita, sa una pa lang kasi ay alam na agad nila kung sino ang target market at mahalaga rin ang magandang reputasyon lalo na’t alahas ang mga ibinebenta nila.


Kaya’t sa mga gustong magregalo sa inyong mahal sa buhay para sa nalalapit na anniversary, birthday o kahit walang okasyon, subukan nang tumingin sa Tindarella Olshop.

Facebook Comments