Higit 8-M Pilipino, kailangan pang mabakunahan upang maabot ang target na 77-M fully vaccinated bago bumaba sa pwesto si PRRD

Gagawin ang lahat ng pamahalaan upang maabot ang target nitong 77-M fully vaccinated bago matapos ang Duterte administration.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni National Vaccination Operations Center Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na sa ngayon ay nasa 68.7-M mga Pilipino na ang fully vaccinated kung saan kulang pa ito ng 8.3-M para makamit ang target.

Ayon kay Cabotaje, mayroon pang 4.3-M mga Pilipino ang kailangan nang maturukan ng second dose.


4 na milyon ding mga kabataang edad 5-11 taong gulang ang ppwede ng bakunahan habang 3-M sa hanay ng mga senior citizens at 2-M para sa mga batang edad 11-17 taong gulang.

Para sa mga fully vaccinated individuals, sinabi ni Cabotaje na may 13.6-M pa lamang ang nabigyan ng booster shot, mula sa 56.9-M na fully vaccinated na nangangahulugang nasa 43-M pa ang pwedeng maturukan ng booster shot.

Ani Cabotaje, kung hindi man maabot ang 77M target ay kahit malapit lapit lamang sa numerong ito ang mabigyan ng bakuna hanggang Hunyo a-30.

Facebook Comments