COMELEC, walang nakikitang paglabag sa maagang inagurasyon ni presumptive Vice President Sara Duterte bago mag-June 30

248

Walang nakikitang paglabag ang Commission on Elections (COMELEC) sa gagawing maagang panunumpa at inagurasyon ni presumptive Vice President Sara Duterte bago ang June 30, 2022.

Gayunman, nilinaw ni COMELEC Commissioner George Garcia na magsisimula ang termino ni Duterte bilang pangalawang pangulo sa June 30, dakong 12:01 ng hapon.

Una nang inihayag ng incoming vice president na gagawin niya ang kanyang inagurasyon sa June 19 sa Davao City, para maging bahagi nito ang mga kababayan niyang Davaoeños.


Ang presidential daughter ang nananatiling nangunguna sa partial and unofficial count mula sa COMELEC Transparency Media Server.

Facebook Comments