Higit 80 Pinoy sa ibang bansa, nakalabas na ng ospital matapos magpositibo sa COVID-19.

Nasa 83 Pilipino sa iba’t-ibang bansa ang gumaling at na-discharge na sa ospital matapos magpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Matatandaan na base sa datos ng Department of Health (DOH), umaabot sa 115 ang bilang ng mga pinoy na tinamaan ng COVID-19 habang nasa ibang bansa.

Dahil dito, 38 na lang ang nananatiling naka isolate sa pagamutan at ang ilan ay inoobserbahan na lang bagamat nasa maayos ng kalagayan.


Pinaka-marami sa mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 ay sa Japan, pero ang mga ito ay mula sa MV Diamond Princess Cruise Ship na dumaong doon.

3 na lang sa mga ito ang nasa ospital at ang 77 ay gumaling na.

4 naman sa UAE, 5 sa Hong Kong kung saan ang 3 ay gumaling na, 10 sa Singapore kung saan 2 rito ay gumaling na.

Habang sa Amerika ay 13 naman pero ito ay mga sakay ng MV Grand Princess.

May isa na ring nagpositibong Pinoy sa virus sa Switzerland at 2 naman sa France, pero 1 dito ay gumaling na.

Facebook Comments