Aabot sa 839 na empleyado ng National Food Authority (NFA) ang mare-retrench ngayong sisimulan na ng pamahalaan ang pagpapatupad ng restructuring plan sa state-run agency.
Ito ay alinsunod na rin sa Republic Act 11203 o Rice Trade Liberalization Act.
Base sa Implementing Rules and Regulations o IRR ng batas, ang NFA ay binibigyan ng 60-araw na transition period para mag-reorganize.
Lilimitahan na rin ng batas ang function ng NFA sa buffer stocking.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – ang restructuring plan ay aprubado at inendorso sa Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations o GOCCs.
Kapag naipatupad na aniya ito, maraming regulatory functions ng NFA ang maalis.
Iminungkahi rin ng Department of Trade and Industry (DTI) at National Economic and Development Authority (NEDA) na bawasan ang managerial positions sa NFA, pero pagdedesisyunan ito kapag naglabas na ng report ang Technical Working Group (TWG).